Sisimulan na ang pilot implementation ng bagong Kindergarten to Grade 10 (K-10) curriculum ng basic education sa 20 paaralan sa bansa sa susunod na buwan.
Ayon kay DepEd deputy spokesperson Assistant Secretary Francis Bringas, ang 20 schools paaralan na lalahok sa pilot program ng nirepasong curriculum ay mula sa Luzon, Visayas, and Mindanao kabilang ang National Capital Region (NCR).
Nakatakda pa lamang pangalanan ng DepEd ang mga paaralang kabilang sa pilot stidy ng revised K-10 curriculum.
Sinabi naman ni ASec. Bringas na paghahambingin ang lahat ng findings sa pilot implementation ng K-10 curriculum bilang paghahanda para sa phased implementation nito sa mga susunod na school year.
Matatandaan na opisyal na inilunsad ng DepEd ang bagong “Matatag” K-10 curriculum ng K-12 program sa unang bahagi ng Agosto bago ang pagbubukas ng School Year 2023-2024 kahapon, Agosto 29.