-- Advertisements --

Tiniyak ng Pilipinas ang commitment nito sa mga kaalyadong bansa na labanan ang pagkalat ng mga ‘weapons of Mass Destruction’.

Ayon kay DFA Undersecretary for Civilian Security and Consular Affairs Jesus Ricardo “Gary” Domingo, malaki ang panganib na dulot ng mga nasabing uri ng armas, lalo na kapag napunta ang mga ito sa kamay ng mga masasamang elemento.

Maging ang mga ibat ibang teknolohiya na may potensyal na magamit bilang mga ‘weapons of mass destruction’ aniya ay kailangan ding mabantayan, kagaya na lamang ang ng mga teknolohiya ukol sa cyberspace at outerspace, kasama na ang artificial intelligence.

Ginawa ni DOmingo ang nasabing pahayag, kasabay ng panibagong commitment ng Pamahalaan ng Pilipinas sa pagsuporta sa Proliferation Security Initiative sa ginanap na high-level political meeting sa Jeju, South Korea.

Ang Proliferation Security Initiative ay isang inisyatiba na sinusunod ng maraming bansa, upang malimitahan ang pagkalat at pagbebenta ng mga weapons of mass destruction, lalo na ang pagkakapunta ng mga ito sa kamay ng mga lawless elements.

Unang naitatag ang nasabing inisyatiba noong May 31, 2003, kung saan kabilang ang maraming UN-member countries ang sumusunod dito.