-- Advertisements --

Makakatanggap ng share ang Pilipinas mula sa Cross-Government Prosperity Fund ng United Kingdom, na nakikitang “invaluable tool” sa malakas na pagbangon ng bansa mula sa COVID-19 pandemic, ayon sa Department of Finance (DOF).

Sa isang statement, sinabi ng DOF na si Finance Sec. Carlos Dominguez III at British Ambassador Daniel Pruce ay lumagda sa isang memorandum of understanding noong Marso 15 para sa pakikibahagi ng Pilipinas sa UK Cross-Government Prosperity Fund para sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Economic Reform Programme at ASEAN Low Carbon Energy Programme.

Ang pondo, na nagkakahalaga ng kabuuang £19 million o tinatayang nasa P1.3 billion, ay hahatiin sa anim na ASEAN countries: Pilipinas, Myanmar, Indonesia, Malaysia, Thailand at Vietnam.

Ito ay para gamitin sa pag-develop ng kanilang capital markets, magkaroon ng improvement sa kanilang accounting standards, at sa pagpapalawak sa paggamit ng financial technology.

Iginiit ni Dominguez na ang share ng Pilipinas mula sa Prosperity Fund ay malaking tulong sa pagbangon ng bansa sa epekto ng pandemya at para yumabong din sa umuusbong na New Economy.

Sa pangkalahatan, ang pondong ito ay makakatulong sa pagkamit nang development goals ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa bansa at sa ikauunlad din ng samabayanang Pilipino.

Bilang leade agency sa implementation ng MOU,  nangangako ang DOF na magkakaroon ng productive collaboration sa mga partner-agencies nito para makompleto ang mga programa pagsapit ng Marso 31, 2022.

Sinabi nama ni Pruce na ikinagagalak ng British Government na makipag-partner sa Pilipinas para sa pagkamit ng sustainable growth.