Lumahok ang Pilipinas sa grupo ng mga bansa na nangako ng kanilang suporta para sa Nelson Mandela Rules, na pinakamababang pamantayan ng United Nations para sa pagtrato sa mga bilanggo.
Ayon sa Group of Friends of the Nelson Mandela Rules, nagpahayag ng suporta ang Pilipinas sa isang pulong sa Vienna sa ika-32nd session ng United Nations Office on Drugs and Crime ng Commission on Crime Prevention and Criminal Justice.
Sa pagpupulong, iniharap ni Philippine Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang reform agenda ng bansa sa criminal justice system.
Binigyang diin din niya ang mga hamon sa bansa tulad ng mga limitasyon sa budget at koordinasyon sa mga ahensya ng gobyerno.
Sa kabilang banda, iniharap din ni Remulla ang mga hakbangin tulad ng regionalization ng mga pasilidad ng bilangguan, ang pagtatatag ng magkakahiwalay na pasilidad para sa iba’t ibang kategorya, pagpapalaya ng mga bilanggo, at pagtiyak ng epektibong legal na representasyon.
Aniya, ang agenda ng reporma ay magtatagumpay kung ang mga policymakers ay may tapat at layunin na pagkilala sa mga depekto nito.
Kaya naman, gumawa ang departamento ng mga hakbang upang matugunan ang mga nasabing pagkukulang.
Una na rito, ang pulong ay dinaluhan ng mga kinatawan ng Germany, South Africa, Thailand, at ng United Nations Office on Drugs and Crime Prevention and Criminal Justice Section.