-- Advertisements --

Nasa pang-limang puwesto pa rin ang Pilipinas sa medal standing ng nagpapatuloy na 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia.

Mayroong 51 gold medals, 77 silver medals at 102 bronze medals na ang Pilipinas.

Nangunguna pa rin ang Vietnam na mayroong 123 gold, 100 silver at 97 silver habang ang Thailand ay mayroong 94 gold, 76 silver at 93 bronze.

Pangatlo naman ang Indonesia na mayroong 74 gold, 66 bronze at 92 na bronze medals habang pang-apat ang Cambodia na mayroong 70 gold, 68 silver at 113 na bronze.