Inihayag ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr. na ang Pilipinas ay nasa “normal na katayuan” na bago pa man ideklara ng World Health Organization (WHO) ang pagtatapos sa emergency phase ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic.
Sa panayam kay Pangulong Marcos sa kanyang flight pabalik ng Pilipinas, sinabi ng chief executive na hindi na kailangang ibalik ang emergency status sa bansa kaugnay ng global health emergency downgrade.
Una ng sinabi ni House Speaker Martin Romualdez na ang deklarasyon ng WHO ay dapat magbigay daan para sa Pilipinas na mapanatili ang paglago ng ekonomiya ng bansa.
Sinabi naman ni Speaker Romualdez ang pagbawi ngcovid-19 emergency ay mayruong magandang dulot lalo na ang pagtaas ng mobility, mas maraming economic activities at magbubukas ng maraming trabaho.
Dagdag pa ni Spaker na ang pag-alis din sa travel restrictions ay mangangahulugan din ng mas maraming turista na bumibisita sa Pilipinas.
Gayunpaman, naninindigan si Romualdez na hindi dapat maging kampante ang publiko at laging sundin ang health safety protocols gaya ng pagsusuot ng face mask kung kinakailangan, regular na paghuhugas ng kamay, pag-isolate kapag may sakit, pagpapabakuna, at pagpapanatili ng physical distancing – upang maiwasan ang impeksyon ng Covid-19.