-- Advertisements --

Ikinalugod ng Department of Foreign Affairs o DFA ang 2022 report ng United States Department on Trafficking of Persons kung saan napanatili ng Pilipinas ang Tier 1 o ang pangunguna nito sa laban kontra Human Trafficking sa 7 sunod na taon.

Patunay lamang ito ng pagkilala ng Amerika sa masidhing kampanya ng Pilipinas na protektahan ang mga nabibiktima ng human trafficking at pagpapanagot sa mga nasa likod nito.

Kinikilala din ng Amerika ang nagkakaisang aksyon ng pamahalaan para supilin ang human trafficking na bumibiktima hindi lamang sa mga babae maging sa mga kabataan.

Tiniyak ng DFA na magpatuloy ang kanilang trabaho katuwang ang civil society kasama ang international community para paigtingin ang pagpapanday ng mga batas, polisiya at mekanismo para labanan ang human trafficking.