Nagtapos sa ikaanim na puwesto ang Philippine women’s volleyball team sa 2022 AVC Cup for Women.
Ito ay matapos talunin sila ng Chinese Taipei 26-28, 21-25, 21-25 sa laro na ginanap sa Philsport Arena.
Nasayang ang nagawang 12 points ni Ced Domingo habang mayroong pinagsamang 15 points sina Jema Galanza at Tots Carlos.
Mayroon lamang na 39 kills ang Pilipinas kontra sa 51 kills naman sa Chinese Taipei.
Sinabi ni coach Sherwin Meneses na kahit talo sila ay taas noo pa rin sila dahil sa nag-improved ang kanilang performance.
Karamihan sa mga manlalaro kasi ay mula sa Creamline Cool Smashers matapos ang tagumpay nila sa 2022 Premier Volleyball League (PVL).
Itinuturing na ang pang-anim na puwesto ay siyang pinaka-best na puwesto matapos ang pang-limang puwesto noong 3rd Asian Championship sa Fukuoka, Japan noong 1983.