Naabot na ang tatlong milyong visitor arrivals sa bansa, bago pumasok ang Hulyo-20, ng taong kasalukuyan.
Ito ay batay sa datus na hawak ng Kagawaran ng Turismo.
Ayon kay Sec. Christina Frasco, nangangahulugan ito na malakas ang turismo sa bansa, at tama ang tinatahak na recovery effort, mula sa naging epekto ng pandemiya sa bansa.
Batay pa rin sa datus, 91.36 % sa kabuuang dumating na mga turista ay mga nagmula sa ibang bansa. Ito ay katumbas ng 2,740,802 katao.
Ang nalalabing 8.64% naman ay mga overseas Filipinos. Katumbas ito ng 259,277 katao.
Karamihan sa mga dumating na turista sa bansa ay nagmula sa South Korea na may kabuuang 741,658 o 24.725%. Pangalawa dito ay ang mga Amerikanong turista na may kabuuang 550,569
Sinundan ito ng mga turistang nagmula sa mga bansang Australlia, Japan, Canada, China, Taiwan, UK, Singapore, at Malaysia.
Ayon pa rin sa Kagawaran ng Turismo, lumubo ang inbound receipt sa bansa ng hanggang 502% sa kalahating bahagi ng taon kumpara noong nakalipas na taon.
Umabot lamang kasi noon sa P35.29Billion ang naitala noong, samantalang ngayong taon ay nasa P212.46 billion