-- Advertisements --
Muling magho-host ang Pilipinas ng Southeast Asian (SEA) Games sa taong 2033.
Inanunsiyo ito ng Olympic Council of Malaysia at kinumpirma rin ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham Tolentino ngayong araw.
Sinabi ni Tolentino na nag-offer daw ang Pilipinas para mag-host sa biennial meet sa isinagawang meeting ng SEA Games Federation Council sa Phnom Penh sa Cambodia.
Sinabi ng POC head na ipiprisinta raw ng POC at SEA Games Council ang plano sa hosting bid sa Malacañang.
Noong 2019 nang huling nag-host ang Pilipinas ng SEA Games.
Nag-host din ang bansa noong taong 1981, 1991 at 2005 SEA Games edition.