-- Advertisements --
Tiniyak ng Department of Agriculture na mayroong sapat na suplay ng sibuyas ang bansa.
Sinabi ni Director Gerald Glenn Panganiban ng Bureau of Plant Industry na kada buwan ay kumunsomo ang bansa ng 4,000 metric tons ng dilaw na sibuyas at 17,000 metric tons ng pulang sibuyas.
Mayroong aniyang buffer stocks ang gobyerno para sa mataas na demand na magtatagal ng hanggang dalawang buwan.
Inamin nito na naghahanda rin ang gobyerno ng posibilidad ng importasyon ng mga sibuyas.
Patuloy din ang panghihikayat ng DA sa mga local government units na makibahagi sa urban at peri-urban agiculture program para matulungan ang suplay ng ibang mga agricultural products.










