Magiging host ang Pilipinas sa ika-36 Joint Commission Meeting sa 2024, na pangangasiwaan ng United Nations World Tourism Organization (UNWTO).
Ito ang inanunsyo ni Department of Toursim Secretary Cristina Frasco.
Kasabay nito ay pinasalamatan ni Frasco ang UNWTO at mga bansang kasapi nito sa pagsuporta sa hosting gagawin ng Pilipinas.
Binati naman ni United Nations World Tourism Organization (UNWTO) Secretary-General Zurab Pololikshvili ang Pilipinas, kasabay ng pagsasabing malaki ang maitutulong ng bansa, para sa responsableng turismo sa buong mundo.
Maalalang nitong nakalipas na linggo ay dumalo si Frasco sa pulong na United Nations World Tourism Organization na ginanap sa Phnom Penh, Cambodia, kung saan nahalal ang kalihim bilang Vice President.