-- Advertisements --

Tumugon na si Pangulong Rodrigo Duterte sa panawagan ng COVAX facility sa mga bansa na magbigay ng pinansiyal na donasyon para makapagbigay sila ng mga COVID-19 vaccines sa mga mahihirap na bansa.

Sa kaniyang talk to the nation kagabi sinabi ng pangulo na magbibigay ang Pilipinas ng $1-million sa COVAX na ang namamahala ay ang World Health Organization (WHO).

Ayon pa sa pangulo, maraming bakuna ang naibigay sa bansa kay nararapat na bumawi rin ang bansa.

Nauna nang sinabi ng COVAX na kailangan nila ng $2 billion na karagdadang pondo ngayong buwan ng Hunyo para mapabilis ang pagbibigay nila ng mga bakuna laban sa COVID-19.