Ika-apat ang Pilipinas sa mga bansa sa Asya na gumagastos nang malaki para makapanuod ng live concert ayon sa isang survey.
Lumabas din sa survey na 38% ng mga Pilipino ang dumalo na sa concert sa nakalipas na labindalawang buwan sa loob o labas man ng bansa.
Nanguna sa survey ang India na may 45%, sinundan ng Vietnam na may 41% at 40% naman ang nakuha ng Indonesia.
Ayon sa sociologist na si Samuel Cabbuag, isa umanong pagpapakita ng suporta sa kanilang mga iniidolo ang pagdalo sa concerts at meet-and-greet ng mga Pinoy.
Ang willingness daw ng mga Pilipino na maglabas ng pera ay patunay na may kahalagahan sakanila ang kanilang papanuorin at sulit ang kanilang babayaran.
Ayon sa Visa na nagsagawa ng survey, tuloy-tuloy umano ang trend ng concert dahil maraming mga sikat na artist ang magsasagawa pa nito sa iba’t ibang bansa.