-- Advertisements --
image 137

Kailangan daw munang tugunan ng Pilipinas ang production at food sufficiency issues bago maabot ang target ng bansa na maging agricultural resource hub.

Ayon kay Department of Agriculture (DA) Undersecretary Kristine Evangelista, kailangan daw ay mapalakas ang production ng agricultural products sa bansa para ma-cater ang demand sa loob at labas ng bansa.

Inihalimbawa dito ni Evangelista ang demand para sa local agricultural goods gaya ng saging na hinahanap sa Japan at ang durian na ini-export sa ilang bansa.

Ang pahayag ng undersecretary ay kasunod ng pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr noong nakaraang linggo at sinabing tiwala ito na magiging agricultural resource hub ang Pilipinas.

Para kay Evangelista, kakayanin daw ito ng ating bansa dahil maganda ang kinaroroonan ng bansa at napaka-strategic.

Maliban naman sa pagpapaganda sa production, kailangan din umanong isama na rin dito ang innovation para gumanda ang ani at gumanda ang quality ng mga magsasaka.

Pero sa kabila nito, base sa pinakahuling data mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang agricultural output ng bansa ay patuloy na bumaba ng 0.6 percent kasunod ng -0.3 percent sa unang quarter ng taon.

Pangunahing dahilan sa pagbaba ng production ay ang pananalasa ng Super Typhoon Karding, na nag-iwan ng P3 billion na halaga ng damage at losses sa agricultural sector.