-- Advertisements --

Nabigo ang Philippine women’s volleyball team kontra sa Australia sa kanilang huling quarterfinal games sa 2023 AVC Challenge Cup sa Indonesia.

Nakuha ng Australian team ang score na 18-25, 22-25, 25-21, 20-25.

Tanging sa ikatlong set lamang nakakuha ng panalo ang Pilipinas sa pinagsamang puwersa nina Faith Nisperos at Shaya Adorador.

Dahil sa pagkatalo ay wala na silang tsansa na makapaglaro sa semifinals ng matapos sila sa quarterfinals na mayroong isang panalo at dalawang talo.