-- Advertisements --
JJ Janssen Johnson and Johnson vaccine

Bibili ang gobyerno ng anim na milyong doses ng single-shot na Jonson and Johnson (J&J) vaccine.

Sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr na anumang araw ngayong linggo ay pipirmahan na nila ang kontrata ng nasabing bakuna.

Gagamitin aniya ito sa buwan ng Enero.

Nauna ng nakatanggap ang bansa ng 3.24 milyon doses ng J&J vaccine mula sa COVAX facility.

Dagdag pa ni Galvez, patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa apat pang ibang mga manufacturers para sa pagbili pa ng mga bakuna sa 2022.