Muling pinagtibay ng Pilipinas at Amerika ang kanilang kooperasyon, mutual commitment and obligation sa isat isat sa ginanap na pulong nina AFP Chief of Staff Gen. Vicente Bacarro at Commander ng US Indo-Pacific Command, Admiral John Aquilino na siyang co-chaired sa 2022 Mutual Defense Board and Security Engagement Board (MDB-SEB) Meeting na ginanap sa U.S. Indo-Pacific Command Headquarters sa Honolulu, Hawaii nuong September 27, 2022.
Ang Mutual Defense Board at Security Engagement Board ay nilikha upang harapin ang mga tradisyunal at hindi tradisyunal na security concerns na kinakaharap ng Pilipinas at ng Estados Unidos bilang magka-alyadong bansa.
Ito ay binubuo ito ng mga pangunahing pinuno mula sa Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, Philippine Coast Guard, Department of National Defense, at Department of Foreign Affairs.
Sa ginanap na MDB-SEB meeting, muling pinagtibay ng Co-chairs ang kanilang mutual commitment at obligasyon sa PH-US alliance para ituloy ang layunin ng 1951 Mutual Defense Treaty (MDT) na magkasundo sa isa’t isa sa pagtugon sa lahat ng security concerns.
Saklaw sa pag-uusap ng dalawang mataas na opisyal ng AFP at US ang mga usapin ng mga aktibidad sa pakikipagtulungan sa seguridad at ang estratehikong pananaw kabilang ang maritime security, pagbabahagi ng impormasyon, at pagpapaunlad ng kapasidad at kakayahan, bukod sa iba pa.
Naging produktibo ang naging talakayan na nagbukas din ng mga pagkakataon para sa mas matatag na pakikipag-ugnayan na magpapa bilis ng pakikipag-ugnayan ng militar-sa-militar kabilang ang taunang bilateral na pagsasanay na naglalayong pahusayin ang inter-operability ng parehong armadong pwersa.
Sumang-ayon din sina Gen. Bacarro at Admiral Aquilino sa implementing guidelines para i-operationalize ang Maritime Security Framework na idinisenyo upang muling pasiglahin ang maritime security awareness.
Kapwa nangako ang dalawang top military leaders na pabilisin ang pagpapatupad ng mga proyekto sa imprastraktura at pasilidad sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).
Sa panig naman ni AFP chief of staff, ang nasabing pulong nila ni Adm. Aquilino ay nagbunga ng katiyakan ng suporta ng INDOPACOM sa AFP Modernization program sa pamamagitan ng pagbibigay at paghingi ng karagdagang tulong sa pamamagitan ng Foreign Military Financing sa Pilipinas.