Lumagda ang Department of Trade and Industry (DTI) sa isang memorandum of understanding sa Korea Consumer Agency para sa higit na kooperasyon sa larangan ng proteksyon ng consumer.
Sinabi ni Dept of Trade and Industry Undersecretary Ruth Castello, na namumuno sa consumer protection group ng departamento, na mapapahusay ng deal ang cross-border consumer protection at tutugunan ang mga reklamo mula sa mga consumer sa Pilipinas at South Korea tungkol sa mga produkto mula sa dalawang bansa.
Saad pa ni Castelo, sa online dispute resolution system ng Dept of Trade and Industry, maaari na itong makipag-ugnayan sa ahensya ng South Korea sa mga kaso kung saan may mga reklamo ang mga Pilipinong mamimili tungkol sa mga nagbebenta o produkto mula sa bansang East Asia.
Dagdag pa ng opisyal ng DTI, sa kasunduan, mas mabilis mareresolba ang mga ganitong kaso.
Ang Korea Consumer Agency ay ang katawan ng gobyerno na may tungkulin sa consumer protection ngunit hindi tulad ng consumer protection group ng Dept of Trade and Industry, ito ay isang departamento o ahensya ng gobyerno sa antas ng kanilang ministry.
Liban nito, isa umanong magandang pag-unlad para sa Pilipinas at South Korea na magkaroon ng cross-border consumer protection dahil isa itong isyu na hindi pangunahing pinagtutuunan ng pansin sa mga nakaraang administrasyon.