Tinatarget ngayon ng Pilipinas at Canada na magkaroon ng Visiting Forces Agreement sa pagitan ng dalawang bansa.
Ito ang inihayag ni Department of National Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. kasunod ng paglagda nito kasama si Canadian Ambassador to the Philippines David Hartman sa isang memorandum of understanding na may kaugnayan sa pagpapaigting pa sa defense cooperation sa pagitan ng Pilipinas at Canada.
Bagama’t hindi na idinetalye pa ng kalihim kung anong uri ng Visiting Forces Agreement ang posibleng mapagkasunduan nito kasama ang Canada ay inihayag naman niya na ikinalulugod niya ang parehong instensyon ng magkabilang panig na mas palalimin pa ang defense relations sa pagitan ng dalawang bansa.
Kasabay nito ay muli namang tiniyak ni Sec. Teodoro ang commitment ng ating bansa nilagdaan nitong MOU kasama ang Canada na bahagi aniya ng goal ng Pilipinas na mas pagtibayin pa ang defense partnership ng bansa sa mga “like-minded states”.
Kung maaalala, sa ngayon tanging sa Estados Unidos at Australia pa lamang mayroong Visiting Forces Agreement ang ating bansa na nagpapahintulot naman sa mga sundalo nito na lumabas-pasok sa Pilipinas para sa pagsasagawa ng mga war drills at exercises