-- Advertisements --

Inilunsad na ni dating Miss Universe Pia Wurtzbach ang unang interior design business.

Sa kaniyang social media ay pormal nitong inilunsad ang kaniyang sariling basahan at carpets.

Umabot aniya sa dalawang taon bago nabuo ang proseso kasama ang studio soliven para makagawa ng nasabing mga basahan at carpets.

Nagsimula ang interest nito sa pagdesenyo ng mga bahay ng inaayos niya ang kaniyang condo at bahay.

Hindi aniya mawala sa isip niya noong ito ay nahiga sa kaniyang sariling gawang carpet.