-- Advertisements --
Labis ang kasiyahan ni Miss Universe 2016 Pia Wurtzbach matapos ang paglahok nito ng 42-kilometer New York City marathon.
Sa kaniyang social media ibinahagi nito ang larawan habang hawak niya ang medalya.
May caption pa ito ng “best run” ng kaniyang buhay.
Itinturuing na isang magandang experience at hindi lamang isang ordinaryong marathon.
Pinasalamatan nito ang mga kaanak at kaibigan na sumuporta sa kaniya lalo na ang kaniyang fiance na Scottish businessman Jeremy Jauncey.
Si Jauncey kasi ang umalalay sa kaniya mula sa training ilang linggo bago ang marathon.