-- Advertisements --
Masayang ibinahagi ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach na ito ay engaged na sa nobyong si Jeremy Jauncey.
Sa kaniyang Instagram account ay ibinahagi ng beauty queen ang larawan habang suot nito ang engagement ring.
Kasaman nito ang nobyo habang nakabakasyon sa Amanpulo.
Bago ito ay may mga ilang post ang dalawa na nagpapahiwatig ng magandang balita.
Magugunitang inamin ng dalawa na nagsimula ang kanilang relasyon noong Enero 2020.
Bumuhos naman ang pagbati mula sa kapwa beauty queens at celebrities matapos na mabalitaan ang nasabing balita.