-- Advertisements --

Nakakuha na ng unang panalo ang Phoenix Super LPG matapos talunin ang NorthPort 108-97 sa nagpapatuloy na PBA Governors’ Cup na ginanap sa Philsports Arena sa Pasig City.

Kapwa nagtala ng tig-26 points sina Jason Perkins at Du’Vaughn Maxwell para buhatin ang Phoenix.

Nag-ambag naman ng 16 points si RJ Azul habang mayroong 13 points si Sean Manganti.

Dominado ng Phoenix ang laro kung saan umabot pa sa 27 points ang kanilang kalamangan.

Napababa pa ng NorthPort ang kalamangan sa lima 92-87 sa natitirang 7:13 minuto sa last quarter pero hindi pinabayaan ng Phoenix na maungusan pa sila ng NorthPort.