-- Advertisements --

Naitala ng Phoenix Super LPG ang unang panalo sa PBA Philippine Cup matapos talunin ang Terrafirma Dyip 94-78.

Bumida sa panalo ng Phoenix si RR Garcia na mayroong double-double na 20 points at 10 assists.

Ito ang unang panalo ng Phoenix matapos ang dalawang talo sa pagsisimula ng nasabing conference.

Habang ang Dyip ay mayroong dalawang talo at dalawang panalo.

Mula sa simula ay hawak ng Phoenix ang kalamangan kung saan umabot pa sa 17 puntos ang lamang nila.