-- Advertisements --

Binigo ng Phoenix Super LPG Fuelmasters ang Rain or Shine Elasto Painters 106-102 sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup.

Naging bida sa panalo si RJ Jazul na nagtala ng 25 points habang mayroong 20 points, anim na rebounds at anim na assists si Matthew Wright.

May isang kalamangan ang Fuelmaster 87-86 sa last quarter hanggang makapagtala ng 6-0 run si Jazul.

Mayroon ng dalawang panalo at dalawang talo ang Phoenix habang mayroong isang panalo at tatlong talo ang Rain or Shine mula ng magsimula ang conference.