-- Advertisements --

Papayagan na raw ngayon ng Philippine Red Cross (PRC) sa kanilang “bakuna” (vaccination) center ang walk in vaccinees para sa second Coronavrius disease 2019 (COVID-19) booster shot.

Sa isang statement sinabi ni PRC Chairman at CEO Sen. Richard “Dick” Gordon na ito ay para sa mga eligible walk-in vaccinees.

Kasunod nito, hinimok naman ni Gordon ang mga priority groups gaya ng mga health workers at senior citizens na mag-avail sa second booster dose ng PRC vaccination centers.

Kailangan lamang daw magdala ng mga magpapabakuna ng ano mang government-issued ID at vaccination cards na nakalagay na nakatanggap na ang isang babakunahan ng unang booster dose at dapat ay apat na buwan na ang nakalilipas.

Wala umanong mangyayari ditong pag-schedule ng mga appointments.

Dagdag ni Gordon na libre raw itong ituturok sa ating mga kababayan.

Sinang-ayuna naman ng PRC ang pahayag ng Department of Health (DoH) na mahalagang magpa-booster shot para magsilbi itong depensa at karagdagang proteksiyon para sa mga vulnerable populations.

Muli namang iginigiit ng health authorities na ligtas at epektibo ang COVID-19 vaccines.

Layon ng pagbabakuna ng PRC na matulungan ang pamahalaan sa kanilang vaccination drive.

Sa ngayon, mayroon nang na-administer ang PRC na 1,176,151 doses ng COVID-19 vaccines at boosters.

Ang mga fully vaccinated naman ay nasa 372,352 individuals na habang 92,712 doses naman ay para sa booster shots.