Kinilala ng European Union ang mga nagawa ng Pilipinas upang protektahan ang karapatan ng mga Pilipino na nagha-hanapbuhay sa ibang bansa.
Sa kauna-unahang Sub-Committee on Good Governance, Rule of Law ang Human Rights sa ilalim ng bagong European Union-Philippines Partnership and Cooperation Agreement (PCA), pinuri ng parehong panig ang mga hakbang na ginawa ng bansa para sa mga hinaing ng mga overseas Filipino workers (OFWs).
Kahit may nararanasang coronavirus pandemic ang buong mundo ay nanguna pa rin ang gobyerno ng Pilipinas para sa repatriation ng mga distressed Filipino workers na nasa ibansa.
Hindi rin nalimutan ng grupo ang ginagawang aksyon ng pamahalaan laban sa paglaganap ng human trafficking.
Kasali rin sa naturang talakayan ang migration at paano ito nagiging problema para sa iba.
Ayon sa Migration, ang ganitong uri ng global phenomenon ay kailangan ang global solutions at global sharing ng responsibilidad.
Napag-usapan din sa pagpupulong ang paksa tungkol sa social dumping at proteksyon sa karapatan ng mga third country au pairs sa EU. Ang Au pairs ay mga helpers mula sa ibang bansa na nagta-trabaho at naninirahan sa isang host family.
Sila ang tumutulong sa mga bata na magbasa at kasama rin sa kanilang tungkulin ang gawaing bahay. Nakakatanggap naman sila ng allowance para sa kanilang gastusin.