-- Advertisements --

Pinangungunahan ng Pilipinas ang panawagan sa international community upang magkaisa ang mga ito na tiyaking lahat ng bansa ay magkakaroon ng parehong access sa mga bakuna kontra coronavirus disease.

Nagpaalala kasi si National Task Force Against Covid-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez na isama ang vulnerable sectors sa pagpapatupad ng COVID-19 response measures.

Magkakaroon aniya ng malaking epekto sa post-pandemic efforts ng mga bansa sakali mang mabigo silang gawin ang suhestyon ng Pilipinas.

“The Philippines remains resolute in championing a policy of ensuring universal, fair, equitable, and timely access to Covid-19 vaccines as long-term solutions to building back better, amid the emergence of new variants and the global scarcity that has been challenging vaccine rollouts in some countries,” saad ng kalihim sa isang pahayag.

Hinikayat ng Pilipinas ang mga member-states na isali ang mga kababaihan at migrant workers, lalo na ang mga nagsisilbi bilang frontliners, sa national immunization strategies ng lahat ng gobyerno.

“Women and migrants are disproportionately exposed to the health risks posed by the pandemic, yet they play critical roles in weathering the crisis,” dagdag ni Galvez.

Sinegundahan naman ito ni Galvez aniya ang hakbang na ito ay para umano tugunan ang agarang pangangailangan ng mga low at middle-income countries. Gayundin ang taasan ang funding support para sa multilateral initiatives — tulad ng COVAX facility.

Inalala rin ng opisyal ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang taon sa ika-75 anibersaryo ng United Nations, dito ay nagbabala ang Pangulo na tila mababalewala lang ang mga paninindigan ng UN kung may mga bansa na hindi makakasali sa pagbabakuna laban sa deadly virus sa kadahilanang mahirap ang ekonomiya nito.

“May no further injustice haunt us as we continue the global fight towards ending this pandemic,” wika ni Galvez.