Hindi nagpahuli ang Philippines men’s beach volleyball team matapos na manalo ng bronze medal sa laban kontra Singapore sa nagpapatuloy na 30th Southeast Asian Games.

Isang come from behind win ang kanilang ginawa matapos matalo sa isang dikit na Game 1 ang tandem nila James Buytrago at Jaron Rey Quinton na umabot ng hanggang three sets o mas kilala sa tawag na golden match.

Pagsapit ng Game 2 ay straight-sets win ang naitala nila Edmar Bonono at Jude Garcia na siyang nagbigay daan para sa golden match.

Hindi na pinakawalan pa ng team Pilipinas ang pagkakataon at momentum nang kanilang talunin sa isang straight sets ang Singaporean rivals nila. (By: Bombo Badz Agtalao)