-- Advertisements --

Mas gumanda pa raw ang internet speed sa bansa base sa pinakahuling ulat ng Ookla Speedtest Global Index.

Nakapagtala raw ang bansa ng impresibong 14-notch jump sa Philippines’ ranking sa  mobile internet connection speed.

Nagtala ang Pilipinas ng average mobile Internet speed na 22.50 megabits per second (Mbps) noong December 2020 kumpara sa 18.49Mbps noong  November 2020.

Sa kabuuang 118 million tests na isinagawa sa buong bansa- kasama ang bawat  regions, cities at  municipalities- noong 2020, ang buwanang increase sa speed ng 4Mbps para sa mobile mula November hanggang  December ay itinuring na pinakamataas sa lahat ng naging monthly increase mula noong  July 2016.

Ang improvement na ito sa mobile internet connection ay nag-angat sa Pilipinas sa nakaraang mga buwan tungo sa 29th mula 34th sa kabuuang 50 Asian countries at umangat din tungo sa  18th  mula sa ranggong 22nd sa 46 Asia Pacific countries.

Bunga ito ng direktiba ni Pangulong Duterte noong Hulyo 2020 na pabilisin ang pagkakaloob LGU permits kaugnay sa  pagtatayo ng  cellular towers. 

Mula noon, kapansin-pansin ang ang pagdami ng issuance of permits mula Hulyo hanggang Disyembre 2020 kumpara sa  average monthly numbers ng  permits na naisyu noong 2019.

Iniulat ng  National Telecommunications Commission (NTC) na noong 2019 ay 63 permits lamang ang monthly average na naipagkaloob sa Globe at may   monthly average na  50 permits para sa  Smart.  

Malayo ang nasabing datos sa  average monthly number of permits nito lamang Hulyo hanggang  Disyembre 2020- umangat sa  552.65 percent (348 permits) para sa  Globe at 194.33 percent (97 permits) para sa  Smart. 

Dahil dito, higit na dumami ang  bilang ang cellular towers mula Hulyo hanggang Disyembre 2020 ay may kabuuang 2,939 karagdagang towers at physical sites ang naitayo.

Ang Pilipinas ay may kabuuang  22,834 cellular tower/sites sa kasalukuyan at ang Globe ay may 10,395, Smart ay may 10,079 at DITO ay may 2,360.

Puspusan rin ang pagtatayo ng  fiber optic network ng telcos na may kabuuang  543,740 cable-kilometers ang naitayo na sa buong bansa.

Pinakamalawak ang  Smart/PLDT na nakapagtayo nang may 429,270 cable-kilometers ng fiber optic-  Globe ay may  67,414 cable-kilometers; Converge ay may  33,000; at  DITO ay may  14,056.

Noong 2020 lamang ay may kabuuang 144,551 cable-kilometers of fiber optic ang naitayo- ang  Smart/PLDT ay nakapagdagdag ng 106,914 cable-kilometers; ang  Globe ay may 13,414, Converge ay  10,167 at DITO naman ay 14,056 cable-kilometers.

Ipinatutupad na rin ang Common Tower Policy upang mas mapabilis pa at matustusan ang  mobile internet services ng bansa.

Nilinaw ng Globe na nakikipagtulungan sila sa paggamit pa ng 11 tower companies, samantalang ang  Smart ay nakipagkasundo naman sa iba pang siyam na tower companies.

Ilulunsad ang commercial operations ng DITO sa parating na Marso  na nagtulak upang magdagdag ng kapital ang Globe at  Smart.

Ang Globe ay naglaaan ng P90 bilyon; samantalang ang Smart naman ay naglaan ng P92 bilyon para lamang sa 2021.  

Ito ang pinakamalaking kapital na inilaan ng dalawang telco sa nagdaang anim na taon.

Desidido naman ang DITO kung kaya ito ay gumastos ng P150 bilyong kapital noong 2020.

Inatasan ng  NTC ang lahat ng  telco na magsumite ng kani-kanilang mga roll-out plan para sa taong 2021  nitong ika-20 ng kasalukuyang buwan.

Magbibigay-daan ito sa NTC upang mamonitor ang progress ng mga telco sa higit pang pagpapabilis ng internet speed.

Nakahanda rin ang komisyon na tulungan ang mga telco sa anumang pangangailangan ng mga ito upang masiguro ang maayos na implementasyon ng mga rollout plan sa taong ito.