-- Advertisements --
Tabla ang koponan ng Pilipinas at Indonesia sa water polo sa pagbubukas ng kanilang Southeast Asian Games campaign nitong gabi.
Lamang ang Indonesians bitbit ang 4-3 lead sa first half, pero nakabawi ang Pilipinas sa second half para gawin ang score sa 5-5 sa pagtatapos ng third.
Nagawang takasan ng Indonesia ang 5-deadlock matapos na makagposte ng isa pang goal, subalit iniligtas ng mga Pilipino ang kaniolang sarili nang maisalpak ang penalty shot sa huling tatlong minuto ng final period.
Susunod na kakaharapin ng Pilipinas ang Thailand sa darating na Huwebes dakong alas-10:00 ng umaga sa New Clark City Aquatics Center.