Kinumpirma ng pamunuan ng Philippine Army (PA) na kanila ng natanggap ang donasyong mga bagong armas na ipinagkaloob ng Estados Unidos sa Pilipinas.

Ayon kay Army Spokesperson Lt Col. Demy Zagala, nasa 80 assault rifles ang ipinamahagi sa mga tropa sa pamamagitan ng isang US grant habang ang 44 mortars naman ay binili ng Philippine Army mula sa Estados Unidos.

Ang nasabing procurement ay bahagi ng kanilang security force goal dahil patuloy ang pag-upgrade at pag-modernize sa kanilang combat operations.

Naniniwala si Zagala na malaking tulong ang mga donasyong armas at mortars para ma-improve pa ang combat performance ng mga sundalo.

“The Philippine Army expresses its gratitude to the U.S. government in granting the assault rifles that will greatly improve the fighting capability,” wika ni Army chief Lt Gen. Alberto.