-- Advertisements --
Iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na wala silang na-detect banta ng tsunami sa Pilipinas matapos ang malakas na lindol na tumama sa Mariana Islands ngayong Biyernes ng gabi, Abril 5.
Sinabi ng Phivolcs na tumama ang 6.7-magnitude na lindol kaninang alas-7:03 ng gabi.
Ipinaliwanag ng Phivolcs na ang tsunami ay isang serye ng mga alon ng dagat na karaniwang nalilikha ng mga lindol sa ilalim ng dagat at maaaring umabot mahigit sa 5 metro ang taas.