-- Advertisements --
Mahigpit ng binabantayan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang pagtaas ng seismic activity sa bulkang Bulusan sa Sorsogon.
Ayon sa ahensiya na nagtala sila ng 116 volcanic activities mula a noong Disyembre 29 ng nakaraang taon.
Muling nanawagan sila na epektibo pa rin ang four-kilometer-radius danger zone.
Mananatili din ang Alert Level 1 sa nasabing bulkan na ang ibig sabihin ay mayroong low-level na paggalaw at posibildad ng phreatic eruption.