-- Advertisements --
Tinalo ng Philippine Women’s Volleyball team ang Australia sa classification phase ng AVC Cup for Women.
Dahil sa panalo ay pasok na ang national team ng bansa para sa ikalimang puwesto sa laro na ginanap sa Philsport Arena.
Nakuha ang Philippine national team ang score na 21-25, 25-19, 19-25, 25-18 at 15-12.
Isang malaking hamon para sa national team matapos ang kanilang pagkatalo kontra Thailand quarterfinals nitong Sabado.
Sinabi ni Philippine coach Sherwin Meneses na isang magandang karanasan ang kanilang dinanas at nilimitahan na lamang nila ang kanilang errors.