Sinimulan na ng Philippine women’s national football team ang kanilang training para sa 31st Southeast Asian Games.
Ayon sa Philippine Football Federation (PFF) na ang 25 kababaihan na football players ay nasa Australia ngayon.
Pinangunahan ng kanilang coach na si Alen Stajicic ang nasabing womens football team.
Bukod kasi sa SEA Games ay sasabak din ang national womens football team ng bansa sa isang friendly games laban sa Fiji sa Abril 7 at sa Sydney sa Abril 11.
Magtatagal ang nasabing national womens’ football team bago ang buwan ng Mayo at sila naman ay magtutungo sa Hanoi, Vietnam para sa SEA Games na magsisimula mula Mayo 12 hanggang Mayo 23.
Kasabay din nito ay inanunsiyo ng kanilang team manager na si Jefferson Cheng na mula ngayon ay tatawagin ang national womens football team bilang “Filipinas”.
Unang tinawag ang nasabing national team bilang “Malditas” mula pa noong Oktubre 2021 na pinamunuan ni head coach Marlon Maro.
Nagkaroon kasi ng negatibong pananaw ang nasabing palayaw ng national women’s football team ng bansa.