
Agad na ipapasara ang mga Philippine offshore gaming operators (POGOs) na mapapatunayang sangkot sa mga insidente ng pagdukot at pagpatay sa mga chinese nationals.
Ginawa ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos ang naturang pahayag para mapigilan ang talamak na kidnappings.
Ani Abalos, mabilis na inaaksyuna na ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group (AKG) ang nasabing mga insidente para matugunan ang concern ng publiko matapos ang nag-viral na video na nagpapakita ng pagdakip ng Chinese nationals sa kapwa chinese dito sa bansa.
Umapela naman ang DILG chief sa mga pamilya ng kidnap victims na agarang ireport at makipagtulungan sa pulisya upang madakip ang mga perpetrator.
Nitong Miyerkules lamang nailigtas ng PNP-AKG sa kanilang isinagawang operasyon sa Fil-Am Friendship Highway sa Angeles City, Pampanga ang 42 Chinese nationals na umano’y may kaugnayan sa POGOs.
Narescue din ng otoridad ang dinukot na babaing Malaysian national sa hiwalay na operasyon.










