-- Advertisements --
Screenshot 2019 06 27 15 36 38

Pinalawig ng Philippine National Railways (PNR) ang oras ng operasyon nito sa mga ruta ng Metro Manila bilang pag-asam sa holiday rush.

Sa pinalawig na oras ng pagpapatakbo, ang unang tren ay umaalis sa Tutuban ng alas-4:11 ng umaga, habang ang huling tren ay umaalis sa Tutuban ng 9:16 ng gabi.

Kaugnay niyan, ang Philippine National Railways ay may mga karagdagang biyahe sa tren kabilang ang Tutuban patungong San Pedro na may oras na alas- 8:16 p.m., San Pedro papuntang Tutuba na alas 4:50 a.m. at Sucat to patungong Tutuban na alas-5:01 ng umaga.

Nagtala rin ito ng 17% na pagtaas ng ridership boarding sa istasyon ng Tutuban noong kapaskuhan taong 2019.

Ayon sa PNR, mayroon itong daily trips na humigit-kumulang 44 hanggang 50, at tumaas ito sa 55 hanggang 60 dahil sa pinalawig na oras ng pagpapatakbo.