-- Advertisements --
cropped Pinoy cellphone 2

Tinututukan na ngayon ng Philippine National Police Anti Cybercrime Group ang mga naglipanag “clickbait” o scam online sellers sa buong social media.

Kasabay ito ng muling pagbibigay babala ng pulisya sa publiko na mag-ingat laban sa nasabing mga modus operandi ng mga kawatan sa bansa.

Paliwanag ni PNP-Anti Cybercrime Group Spokesperson Lt. Michelle Sabino, lahat daw kasi ng maaaring maging paraan ay ginagawa ng mga kawatan para makapanloko at sa katunayan pa nga aniya nito ay marami na rin daw natatanggap na mga reklamong may kaugnayan dito ang kanilang hanay.

Kaugnay nito ay muli namang nagpaalala si Philippine National Police chief PGen. Rodolfo Azurin Jr. sa taumbayan na huwag agad agad maniniwala sa mga natatanggap na promo text message ng mga ito.

Kasabay ng muling pagbibigay-diin na kapag ang mga mensaheng natatanggap ay “too good to be true” ay huwag kaagad maniniwala dahil sa halip aniya na mas guminhawa ang kanilang buhay ay mas lalo pa aniya silang magigipit kapag nabiktima ang mga ito ng mga panloloko.