-- Advertisements --
PNP CHIEF ACORDA

May lead nang nakuha ang Pambansang Pulisya hinggil sa kasong pamamaslang sa human rights lawyer sa Bangued, Abra na si Atty. Maria Saniata Liwliwa Gonzales Alzate.

Ito ang iniulat ni PNP Chief PGEN Benjamin Acorda Jr. pahinggil sa panibagong development sa naturang kaso.

Ngunit sa ngayon ay tumanggi muna ang heneral na magbigay pa ng mga karagdagang detalye sa kasong ito.

Samantala, bagamat tumanggi muna ang heneral na magbigay pa ng mga karagdagang detalye hinggil sa kasong ito ay nagpahayag naman siya ng kumpiyansang agad itong mareresolba ng binuong Special Investigation Task Group ng PNP na kanyang inatasang tutukan ang paglutas at imbestigasyon sa nasabing krimen.

Kung maaalala, Huwebes ng hapon ay pinagbabarilin ng isang riding in tandem ang naturang abogada sa loob ng kaniyang sasakyan sa harapan ng kanyang tahanan.