-- Advertisements --
pnp chief

Makikipagtulungan ang Philippine National Police (PNP) sa mga church leaders at komunidad para sa mas maigting na pagpapatupad ng peace and security sa Pilipinas.

Ito ay sa pamamagitan ng muling pagbuhay ng pulisya sa kanilang KASIMBAYANAN bilang bahagi ng strategic security platform ng PNP na M+K+K=K o “Malasakit, Kaayusan, at Kapayapaan tungo sa Kaunlaran.”

Ayon kay PNP chief PGen. Rodolfo Azurin Jr., ang simbahan ang magsisilbi bilang tulay sa pagitan ng pulisya at komunidad sa bansa.

Paliwanag niya, sa kanilang pakikipagtulungan sa mga pinuno ng simbahan ay mas madali nang maipapaabot ng taumbayan ang mga nangyayaring krimen sa kanilang mga lugar at maging ang kanilang mga sumbong o problema sa mga pulis para sa agad na pag-aksyon ng PNP ukol dito.

Kung maaalala noong buwan ng Pebrero 2022 unang inilunsad ng PNP ang KASIMBAYANAN na ipinatupad naman noong Mayo 2022 kung kailan nangyari ang sinasabi ng pulisya na pinakamapayapa, pinaka maayos, at pinakaorganisadong national at local elections sa kasaysayan ng Philippine elections.