-- Advertisements --
image 114

Iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na walang nadatect na volcanic earthquake sa Bulkang Mayon sa Albay sa nakalipas na 24 oras.

Subalit nananatiling epektibo pa rin ang Alert level 2 o increased unrest sa bulkan.

Ayon sa Phivolcs , nagbuga ng katamtamang steam-laden plumes sa nakalipas na 24 oras na napadpad sa pakanluran-timog-kanluran at pakanlurang direksyon.

Patuloy naman na pinag-iingat ang publiko sa posibilidad ng phreatic eruptions o mapanganib na magmatic eruption.

Ipinagbabawal ang pagpasok sa anim na kilometro ng permanent danger zone para maiwasan ang panganib sa biglaang pag-alburuto ng bulkan, rockfalls at landslides o pagguho ng lupa.

Kung sakaling magkaroon ng ash fall mula sa bunganga ng Mayon, na maaaring makaapekto sa mga komunidad pinapayuhan ang publiko na dapat magtakip ng ilong at bibig ng basa, malinis na tela, o dust mask.

Mapanganib din ang pagpapalipad ng sasakyang himppawid malapit sa bunganga ng bulkan dahil sa posibilidad ng biglaang volcanic eruption.