
Ibinaba ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang alert status ng Bulkang Mayon sa Albay mula Alert Level 2 na moderate-level unrest ay ginawa na itong Alert Level 1 o low-level unrest.
Ito ay nangangahulugan na ang state of unrest ng bulkan ay bumaba sa mababang antas kaya ibinaba na rin ang Alert Level nito.
Binanggit ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology na naobserbahan nito ang “steady decline” sa mga sinusubaybayang parameter ng Bulkang Mayon mula pa noong simula ng 2023.
Gayunpaman, itinuro nito na ang pagbaba sa alert status ay hindi dapat bigyang kahulugan bilang isang kumpletong pagtigil ng panganib.
Sa kabilang banda, kung may kapansin-pansing pagbabalik sa mga antas ng baseline ng ground deformation at napanatiling mababa ang antas ng iba pang mga parameter ng pagsubaybay, ay ang alert status ay maaaring higit pang bumaba.
Pinaalalahanan pa rin ang publiko na iwasang pumasok sa anim na kilometro na permanenteng danger zone dahil sa mga perennial hazard ng rockfall, avalanche, ash puff, at biglaang steam-driven o phreatic eruption ng bulkang Mayon.










