-- Advertisements --
image 269

Tinanggal na ng Philippine General Hospital ang nakagawiang swab test sa ilang mga asymptomatic patients.

Kabilang dito ang mga pasyenteng sumasailalim sa chemotherapy, surgery, laboratory exams sa radiology department at mga buntis.

Saklaw din ang mga pasyenteng nasa pay at service areas ng pangunahing pampublikong pagamutan.

Subalit ang mga cancer patient na sumasailalim sa chemotherapy treatment na kailangan pa ring dumaan sa screening ay ang mga hindi pa fully vaccinated o mayroong sintomas sa nakalipas na 21 araw at mayroong exposure sa kumpirmadong close contact sa nakalipas na 14 na araw.

Base sa advisory ng hospital infection control unit ng PGH, ang bagong patakaran ay agad na magiging epektibo.