-- Advertisements --
image 332

Tiniyak ng Philippine E-sports team ang mas magandang performace sa 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia.

Matatandaang sa nakalipas na 31st SEA games, nakapag-uwi ang official esport team ng Pilipinas na kilala sa pangalang Sibol, ng dalawang gintong medalya.

Ayon kay Sibol head coach Ralph Andrei Llabares, malaki ang naging improvement ng team sa nakalipas na taon dahil na rin sa ilang mga conditioning at adjustment na ginawa.

Nakamit aniya ng Sibol ang 70% na goal nitong nakalipas na taon habang ngayong taon ay umaasa silang makakamit na ang hanggang sa siyamnapung porsyento.

Ilan sa mga nais ng team na maipanalo ngayong taon ay ang League of Legends: Wild Rift and Mobile Legends, League of Legends, at Crossfire.

Ang nasabing team ay bubuuin ng 47 athletes at pitong coaches sa pitong events.