-- Advertisements --

Muling nanindigan ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na walang special treatment sa panganay na anak ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na si Juanito Jose Remulla na naaresto matapos na masabat ang isang imported high-grade marijuana.

Ginawa ni PDEA Director General Wilkins M. Villanueva ang naturang pahayag sa gitna ng kritisismo na natagalan umano ang paglalabas ng PDEA ng statement sa naging operasyon nito sa anak ng isa sa top official ng gobyerno kumpara sa ibang mga naarestong suspek.

Binatikos din ang PDEA dahil sa double standard ng ahensiya nang maglabas ito ng blurred photo o malabong larawan ni Juanito Remulla.

Paliwanag ni Villanueva na nag-adopt sila ng isang set ng protocols noong Marso ng kasalukuyang taon para mapabuti ang kanilang anti-drug operations alinsunod sa Republic Act No. 10173 o ang Data Privacy Act of 2012.

Kabilang dito ang pagpapabawal ng paglantad sa naarestong drug suspects sa press conference sa media matapoa ang matagumpay na anti-drug operation.

Ang naturang practice aniya ay pareho sa lahat ng law enforcement units sa nakalipas at pinagbawal ng PDEA matapos na mapag-alaman na ang naturang practice ay labag sa constitutional rights ng akusado partikular na ang presumption of innoncence nito hangga’t ito’y mapatunayang guilty sa kinakaharap na kaso.

Pinunto din ng PDEA na itinigil na din ang practices na paglalathala online ng mga larawan at imahe ng inarestong suspek partikular ang mugshots ng indibdiwal.

Kayat nanindigan ito na ang mga larawan ng mga suspek na nahuli na ibinibigay sa media ay dapat na naka-obscure o blurred.