-- Advertisements --

Dinala na sa New Quezon City Male Dormitory Jail matapos na boluntaryong sumuko si Senator Jinggoy Estrada.

Pasado alas-8 nitong gabi ng Lunes, Hunyo 1 ng dumating ang Senador sa Quezon City Jail sa Payatas, Quezon City.

Magugunitang boluntaryong sumuko ang Senador ilang oras matapos na ilabas ng Sandiganbayan Fifth Division ang kaniyang warrant of arrest dahil sa kasong plunder.

Dumaan pa ito sa proseso sa pamamagitan ng pagkuha ng mga fingerprints at mugshots sa head office ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Camp Crame.

Matapos ito ay ibinalik ng CIDG ang Senador sa Sandiganbayan para sa return-of-warrant kung saan nagpasya sila na doon na sa Quezon City Jail ikulong ang Senator.

Magugunitang nitong araw ng Lunes ng lumabas ang warrant of Arrest mula sa Sandiganbayan ni Estrada at dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan dahil sa kasong plunder na nagmula sa anomalya sa flood control projects.