-- Advertisements --
image 540

Darating na sa bansa mamayang alas-10 ng gabi ang 82 miyembro ng Philippine Inter-Agency Humanitarian Contingent (PIAHC) na ipinadala sa Turkey para tumulong sa search operations matapos tumama ang malakas na 7.8 magnitude na lindol.

Ito ang kinumpirma ng Office of the Civil Defense (OCD) sa kanilang inilabas na advisory.

Ayon pa sa ahensiya, bago ang departure ng rescue team ng Pilipinas mula sa Turkey, nakapagbigay ng medical aid ang Philippine Emergency Medical Assistance Team (PEMAT) sa 1,022 pasyente sa southeastern city ng Adiyaman sa Turkey mula Pebrero 11 hanggang 24.

Samantala, ang ang Philippine contingent urban search and rescue (USAR) team ay narekober ang anim na labi ng mga nasawi matapos matabunan ng mga gumuhong gusali at nasa 36 na gusali ang na-assess o hinalugad ng team para mahanap ang mga survivor mula Pebrero 10 hanggang 15.

Umapela naman ang Turkish government sa Pilipinas na magpadala o mag-donate ng non-food items na kailangan ng mga survivor mula sa lindol.