Todo na rin ang paghahanda sa ngayon ng Philippine Coast Guard (PCG) para tiyakin ang kaligtasan at seguridad ng mga pasahero sa lahat ng pantalan sa buong bansa sa gitna ng Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2022.
Nagpaalala naman ang PCG na asahan na raw ng mga pasahero ang kanilang mahigpit na inspection sa mga bagahe at kargamento.
Sisiguruhin din ng PCG personnel na lahat ng passenger vessels ay mayroong sapat na life-saving equipment on board para sa kapakanan ng mga pasahero at mga crew nito.
Kahapon nang nakapagtala ang PCG ng 17,746 outbound passengers at 16,922 inbound passengers sa lahat ng daungan sa bansa ang na-monitor ng Goast Guard.
Nasa 2,122 namang tauhan ng Coast Guard ang nakakalat ngayon sa 15 PCG Districts na nagsasagawa ng inspection sa mga sea vessel at motorbancas sa buong bansa.
Mananatiling nakataas sa ‘heightened alert’ ang lahat ng districts, stations, at sub-stations ng PCG na pinasimulan noon pang December 15, 2022 hanggang January 7, 2023.